MGA NOVO ECIJANO, PAANO NGA BA MAGDIRIWANG NG VALENTINE’S DAY?

Two days before Valentine’s Day! Paniguradong nag-iisip na ang ilan sa atin kung paano nga kaya mas magiging espesyal ang kanilang pagdiriwang sa araw na ito kasama ang kanilang mga minamahal.

Dito sa Nueva Ecija, paano naman kaya ipagdiriwang ng mga Novo Ecijano ang araw ng mga puso?

Ayon sa ilang mga Novo Ecijano na aming nakausap, simple at hindi na magarbo ang kanilang selebrasyon ng Valentine’s Day dala na rin umano ng sunud-sunod na pagtaas ng ilang mga pangunahing bilihin, ang ilan naman ay pangkaraniwang araw lang ito.

May ilan din namang nagsabi na iraraos nila ang Febuary 14 kahit pa nga mahirap kumita ng pera sa ngayon dahil anila, minsan lang naman ito sa loob ng isang taon.

Samantala ang isa naman, dinaan na lamang sa biro ang kaniyang sagot. Ang Valentine’s Day ay mahalaga para sa ilan, tinagurian kasi itong romantikong okasyon kung saan mas naipapahayag ang pag-ibig at pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay at maging sa mga kaibigan.

Ngunit sa huli, ang pag-alaala at pagpaparamdam ng pagmamahal hindi lamang tuwing araw ng mga puso ang siya pa ring pinakamahalaga. –Ulat ni Mary Joy Perez