PINAKAMATANDANG LALAKI SA GEN. TINO N.E., KILALANIN

Bagaman mahina na ang pandinig ay matalas pa rin ang pag iisip ng Isang daan at pitong taong gulang na si Lolo Vicente Bote, residente ng bayan ng General Tinio.

Sa kabila ng kanyang edad, ay nanatili pa din na malakas, matalino, masayahin at kwelang kakwentuhan si Lolo Vicente.

Mula sa pagkakaroon ng siyam na anak, nagkaroon siya ng 29 na apo, 54 na apo sa tuhod at 10 apo sa talampakan.

Kamakailan lamang, noong January 23 ay ipinagdiwang ni Lolo Vicente ang kanyang Ika-isangdaan at pitong taon gulang. Ang sikreto daw ng kanyang mahabang buhay ay ang kanyang pagiging health consious at walang bisyo.

Ayon pa sa kanyang pangatlong anak na si Naomi Martin, napakaganda ng naging pagpapalaki sa kanila ng kanyang tatay. Dahil, imunulat sila na may takot sa Diyos. –Ulat ni Danira Gabriel