MASAGANANG SALU-SALO, INIHANDA NG PROV’L GOV’T NG PAMPANGA PARA SA MGA DELEGADO NG APEC

Isang salu-salo ang inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno ni Governor Lilia Pineda para sa mga delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation na ginanap sa Oxford Hotel Clark Freeport Zone.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga foreign delegates mula sa mga bansang Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, Singapore, Taiwan, Thailand, United States, and Vietnam, sa Clark para sa First Senior Officers Meeting.

Bago ang masaganang hapunan, ipinamalas muna sa mga bisita ang ipinagmamalaking giant lantern o parol ng lalawigan ng Pampanga.

Lubos na hinangaan ng mga  banyagang delegado at maging ng mga local delegates mula sa mga local na pamahalaan ng Central Luzon ang mga higanteng parol na may average diameter na 15 to 20 feet , 7 kilometers electric wires, 10, 000 light bulbs, na pinapagana ng manu-mano.

Kasunod ng pagtatanghal ng mga parol ang fireworks display.

Tinapos ang pagtitipon sa pamamagitan ng isang cultural presentation.- Ulat ni Clariza De Guzman