BASKETBALL, KELAN NGA BA NAIMBENTO AT SUMIKAT?

Isa sa pinakapaborito ng Pinoy pagdating sa larangan ng sports ang larong Basketball, pero saan, kailan, at paano nga ba ito nagsimula?

Pagdating sa larong Basketball hindi maipagkakailang ang mga Pinoy lalo na ang mga kalalakihan ay tunay na panatiko nito. Mula sa NBA o National Basketball Association, PBA o Philippine Basketball Association, High School at College Basketball Play-offs at kahit mga larong basketball kalye.  Ang basketball ang isang uri ng sports na nangunguna sa ating bansa sa loob ng napakahabang panahon.

Inimbento ni Dr. James Naismith ang larong Basketball noong 1891, physical education teacher si Naismith sa  YMCA International Training School na ngayon ay kilala na bilang Springfield College sa Estados Unidos. Dahil nais nitong gumawa ng indoor game o larong maaaring gawin sa loob ng building gamit ang bola ng soccer at dalawang peach basket ay sinimulan nito ang unang basketball game sa larangan ng sports. May labing tatlong rules at hindi pa noon nauuso ang pag dribble sa bola.

Noong 1936 nasilayan ang basketball sa Olympic Games at ngayon ay hindi na maipagkakaila ang laki ng impluwensya ng basketball sa mga sports fanatic. Sa NBA nandyan ang ibat ibang basketball teams na kilala ng marami maging basketball fanatic man o hindi katulad ng Miami Heat, San Antonio Spurs, Chicago Bulls, Los Angeles Clippers, Boston Celtics, Houston Rockets at marami pang iba.

Sa Pinas, naging mainit ang Basketball lalo na para sa Baranggay Ginebra San Miguel, Barako Bull Alaska Aces at marami pang iba. Mainit din ang labanan sa NECSL pagdatingsa basketball na pinakahihintay ng maraming tao. Simple man para sa ilan ang basketball, para sa mga sports at basketball fanatics, nagiging dahilan pa ito ng away o di kaya’y bagong pagkakaibigan – Ulat ni Shane Tolentino