56-ANYOS NA LALAKI, NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY! DALAWANG LALAKI TINAMBANGAN, MATAPOS MAG-WITHDRAW NG PHP 72,000

San Isidro- Dead on arrival sa ospital ang isang singkwenta’y sais anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Ang biktima ay kinilalang si Edgardo Pangilinan y Paguio ng Maria Cristina Subdivision, barangay Malapit, bayan ng San Isidro.

Ayon sa imbestigayon, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa barangay Poblacion sa nabanggit na bayan ng salubungin ng isang motor sakay ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Bumaba ang nakaangkas sa likuran ng motorsiklo at pinagbabaril ng tatlong beses ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre kwarenta’y singko sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at panga.

Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumalilis ang mga suspek.

Nakuha ng doctor sa bulsa ng biktima ang isang pakete ng hinihinalang buto ng marijuana at isa pang pakete na naglalaman ng shabu.

Cabanatuan City-   Dalawang lalaki ang tinambangan at pinagbabaril sa Cabanatuan City makaraang mag-withdraw ng pera sa bangko.

Kinilala ang mga biktimang sina Meynard Sapico y Santos, tatlumpong taong gulang, construction worker, residente ng Plaridel, Bulacan at Romeo Borja y Balinton, trenta’y tres anyos ng Las Piñas, Manila.

Base sa imbestigasyon, habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Melencio street ng naturang lungsod lulan ng isang tricycle ng bigla na lamang harangin at ratratin ng hindi nakilalang suspek.

Matapos tangayin ang halagang seventy-two thousand pesos na cash na winithdraw ng mga biktima sa China Bank ay kaagad na tumakas ang suspek.

Nagtamo ng mga tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na sanhi ng kamatayan ni Meynard Sapico samantala nakaligtas naman si Romeo Borja at kasalukuyang nagpapagaling.- Ulat ni Clariza De Guzman