SPANISH REPRESENTATIVES, NA-IMPRESS SA KAHANDAAN NG PDRRMC

Ipinakita ng PDRRMC ang kanilang kahandaan sa pag bisita ng AECID Officers at FIIAP Technician upang sa kanilang pagbabalik sa Espanya ay mapag-usapan na kung anong tulong ang maibabahagi nito sa ating lalawigan.

Bukod dito napakita rin ng PDRRMC ang kanilang kahandaan at pagiging maagap sa pagdating ng mga sakuna at kalamidad sa ginagawa nitong buwanang meeting upang malaman ang paghahanda ng ibat ibang ahensyang myembro nito.

Dito napag-uusapan kung maayos pa ang iba’t ibang equipment at kung mayroon bang nadadagdag sa mga ito o nababawas. Sa ganitong paraan ay hindi nangangapa ang lalawigan kung sakaling kailanganin nitong sumagip ng mga mamamayan o di kaya’y nag-iisip kung sapat ba ang mga kagamitan at relief ang pasilidad upang masustenahan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa pangunguna ni Governor Aurelio Matias Umali, kitang-kita ang pag-unlad sa lalawigan at dito namangha ang mga representante ng bansang Espanya.

Ayon sa kanila nakamamangha ang kahandaan ng lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa pinag-isipan nitong estratehiya at consistency ay nararapat lang na i-adopt ang ganitong estratehiya sa buong bansa.

Ipinakita rin ng PDRRMC ang ilan sa mga equipment sa mga bisita.

Ang pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya, Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, Department of Interior and Local Government, Ministerio De Asuntos Exteriores y De Cooperacion, Agencia Espaniola De Cooperacion Internctional at Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapanatiling maayos, maagap at protektado ang mga mamamayan sa ano mang uri ng sakuna o kalamidad ang PDRRMC ay mananatiling handa at alerto. –Ulat ni Amber Salazar