MGA PAMILYA NA NAKASAMA SA DEMOLISYON, BINIGYAN NG SARILING BAHAY NG LGU- TALAVERA AT NHA

Binigyang katuparan ng Pamahalaang Bayan ng Talavera, na mabigyan ng sariling bahay ang mga residente na napalayas sa kanilang mga tinitirhan, sa naganap na demolisyon sa Brgy La torre at Brgy Maestrang Kikay.

Nakiisa at mainit na sinalubong ng mga tiga talavera, si Vice President Jejomar Binay sa pagbisita nito sa Housing Project.

Naglaan ang Municipal Government at National Housing Authority ng P12 M na pondo para sa 92 na units ng bahay, na itinayo sa Brgy. San Pascual.

Sa halagang P610 na buwanang hulog sa loob ng sampung taon, ay magkakaroon na ng sariling titulo ng bahay at lupa ang mga residente.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mura at disenteng tirahan para sa kanila.

Batid ng Pamahalaang Bayan ng Talavera, na ang pagkakaroon ng disenteng pamamahay ay isang mahalaga at pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya.

Kaya naman, ang pondo na malilikom ay gagamitin muli upang makapagpatayo ng panibagong Housing Project, para naman sa mga residente na nakatirik ang bahay sa mga delikadong lugar.

Inaasahan na ngayong buwan, ay makakalipat na ang mga residente sa kani-kanilang bagong bahay. –

Ulat Ni Danira Gabriel