BSED-1B STREET DANCERS NG ELJ MEMORIAL COLLEGE, ITINANGHAL BILANG BACK-TO-BACK CHAMPION SA ELJMC STREETDANCE COMPETITION 2015

Pinatunayan ng Bachelor of Secondary Education 1B Street Dancers ang kanilang husay sa pagsasayaw matapos nitong sungkitin ang korona at tanghalin muli bilang kampeon sa katatapos lang na Streetdance Competition 2015 sa ELJ Memorial College bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 10th Founding Anniversary.

Ito na ang ikalawang taon ng paghahari ng BSED 1B sa naturang kompetisyon.

Ayon kay Arjhay Tomas, BSED 1B streetdancer, hindi nila inaasahan na maipagtatanggol nilang muli ngayong taon ang iniingatang titulo.

Siyam na grupo mula sa first year students ng iba’t ibang departamento ang naglaban-laban sa kompetisyon.

Bawat grupo ay nagpakita ng kahanga-hangang routines at choreography kasama ng iba’t ibang mga pakulo na talaga namang kinaaliwan ng mga manonood.

Lumutang rin ang kanilang creativity at team work dahil sa mga makukulay na costumes at mahusay na paggamit ng iba’t ibang props na sila mismo ang gumawa na siyang sumasalamin sa tema ng kanilang performances.

Samantala, bukod pa sa group performance, nagkaroon din ng isang streetdance showdown kung saan nagpatalbugan ang mga representative ng bawat grupo na lalong nagpahanga sa mga hurado.

Ayon kay Glecy Bayudan, ELJMC Streetdance Competition 2015 Organizer, limang taon nang isinasagawa ang nasabing kompetisyon sa kanilang paaralan.

Layunin nito na maipakita at ma-develop ng mga estudyante ang kanilang talento sa pagsasayaw.

Dagdag pa niya, patuloy nilang isasagawa ang kompetisyon at sisikapin nilang maging mas maganda pa ito sa mga susunod pang taon. – Ulat ni Janine Reyes