MAHIGIT TATLONG DAANG CANDIDATE SOLDIERS, NAGTAPOS SA 7TH INFANTRY DIVISION

Mahigit tatlong daang candidate soldiers ang nagsipagtapos sa 7thInfatry Division sa Fort Magsaysay kamakailan na pinangunahan ni AFP Major Gen. Glorioso V. Miranda at guest of honor na si Sta. Rosa Vice Mayor Tony Romero.

 

Ayon kay Major Gen. Miranda, umaasa ang AFP o Arm Forces of the Philippines na gagampanan ng maayos at magiging tapat sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong sundalo.

 

Isa si Marvin Bernardino na tubong Cavite sa mga nagsipagtapos bilang isa sa mga pinakabagong miyembro ng AFP.

 

Aniya, hindi matawaran ang galak na kaniyang nararamdaman kaya isang pangako ang binitiwan niya para sa publiko.

 

Nagbilin naman si Major Gen. Miranda, na huwag sanang malimutan ng kaniyang mga kabaro lalong higit ng mga bagong sundalo ang tunay na dahilan kung bakit sila nagpursigi na maging isang ganap na mga kawal Pilipino at ito ay dahil sa kagustuhang pangalagaan at proteksyunan ang bansa at ang taumbayan.

 

Samantala malungkot man at nakikidalamhati sa mga kaanak ng mga nasawing 44 na pulis sa Maguindanao, ayaw nang magkomento ni Miranda sa nangyaring insidente.- Ulat ni Mary Joy Perez