ITINANGHAL NA MR AND MS ELJMC 2015, NAGMULA SA COED

Matagumpay ang ginanap na Mr. and Ms. ELJMC 2015 kamakailan na ginanap sa Nueva Ecija Convention Center sa Palayan City. Ito ay bahagi ng isang dekada ng pagpapahalaga sa mga kabataan ng Nueva Ecija sa pakikipagtulungan ng Nueva Ecija Provincial Government.

Walong pares ng mga iskolar ng ELJMC ang nagpatalbugan sa pagrampa sa enteblado.

Mula sa kanilang Creative Attire, Summer Attire at Formal Attire, waging wagi ang mga kalahok dala ang bawat pangalan ng kanilang kolehiyo.

Pagkanta, Pagsayaw, pagtugtog ng instrumento at pag-arte ang kanilang ipinamalas pagdating sa Talent Portion.

Iba rin ang ipinamalas na husay sa pagsagot pagdating sa Question and Answer Portion.

Napabilang sa Top 5 Ms ELJMC sina Candidate Number 8, 4,6,2,7 at Top 5 Mr. ELJMC sina Candidate Number 1, 2,5,6,7.

Sa huli, napagtagumpayan nina Shaira Arenas at Wendell Bonilla ang 2nd runner-up. 1st runner-up ang nakamit nina Maria Geah Mangay-ayam at Christian Dela Rosa. At ang kinoronahang Mr. and Ms. ELJMC 2015 ay sina Eurizza Valdez at JR Ace De Guzman.- Ulat ni Shane Tolentino