BAHAY NG NEGOSYANTE NILOOBAN, MAHIGI’T KUMULANG DALAWANG MILYONG PISONG HALAGA NG PERA AT ALAHAS, TINANGAY NG MGA KAWATAN; MISIS, NANANAKAWAN NG BAG SA LOOB NG ISANG SIKAT NA RESTAURANT

Tinatayang halos aabot sa dalawang milyong piso ang natangay ng mga kawatan sa bahay ng isang negosyante nang looban kamakala ng madaling araw sa bayan ng general Natividad.

Kinilala ang biktimang si Jamil Alivia, trenta’y otso anyos, nakatira sa barangay Poblacion ng nabanggit na bayan.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng alas singko hanggang alas sais ng umaga habang sumasamba ang biktima.

Nadiskubre na lamang ng biktima na sira na ang kanyang cash vault na nasa loob ng kanyang kwarto.

Lumabas sa pagsisiyasat ng SOCO, pumasok ang mga suspek sa likod ng compound at inakyat ang bubong ng banyo patungong second floor sa kinaroroonan ng kwarto .

Natangay ng mga kawatan ang 1.2 million pesos na cash, mga alahas na nagkakahalaga ng isandaang libong piso, sampong relo na nagkakahalaga ng three hundred thousand pesos, isang pistol caliber 40, isang high powered rifle, at isang laptop.

Cabanatuan City- ninakawan ang isang ginang na si Myra Go, kwarenta’y tres anyos, isang nurse, ng kanyang mahahalagang gamit habang nagpa-picture sa Hapag Vicentico’s Restaurant.

Ayon sa biktima, bandang alas onse kwarenta’y singko ng umaga nagtungo siya sa naturang restaurant na reception ng kasal na kanyang dinaluhan.

Iniwan niya ang kanyang shoulder bag sa upuan upang magpa-picture ngunit pagbalik niya ay nawawala na ito.

Naglalaman umano ng mga I.D, ATM cards, isang cellphone, isang iphone, 100 dollars, at seven thousand pesos ang kanyang card.- Ulat ni Clariza De Guzman