Teen suicide, laganap sa buong mundo

Ang suicide o pagpapatiwakal ay isang seryosong public health problem na dapat ma-trace ng maaga at matulungan bago pa man ito tuluyang magpakamatay.  Kahit ang mga taong may edad sampung taong gulang hanggang dalawampu’t apat na taong gulang na karaniwang isang masayang yugto ng  buhay ay nababahiran ng masasamang karanasan na nagiging dahilan ng pagpapatiwakal.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention sa mga taong may edad 10 hanggang 24 na taong gulang, ang pagpapakamatay ay pang-apat sa pinakamataas na dahilan ng kamatayan sa mundo o halos 4,600 na kaso ng suicide sa loob ng isang taon.

45 posyento nito ay gamit ang iba’t ibang uri ng baril, 40 posyento dahil sa suffocation, 8 porsyento ang dahil sa lason.

Mayroong ilang mga risk factors na maaaring mag trigger sa pagnanais ng isang tao na wakasan ang kanyang buhay:

  • Maaaring may history na ito ng pagpapakamatay.
  • Meron nang kasaysayan sa ibang myembro ng pamilya ng suicide.
  • May kasaysayan ng depresyon at mental illness.
  • Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o di kaya’y pag inom ng alak.
  • May nangyaring hindi kaaya-aya sa kanyang buhay.
  • Madaling makahanap ng mga bagay na maaaring kumitil sa buhay nito.
  • Na expose sa suicide attempt ng ibang tao.
  • Pagkaka bilanggo.

Ang Depression na pinakakaraniwang dahilan upang magpakamatay ang isang tao. Kawalan ng pag-asa lalo na at hindi pa gaanong independent ang mga kabataan na nagiging dahilan upang mas madali itong sumuko sa buhay o frustration, Ffar o takot. Katulad na lamang ng takot na ipaalam ang kanilang pagkakatanggal sa scholarship, pagiging dalagang ina o ama, at marami pang iba. Psychosis , katulad ng Schizophrenia, Droga at Alak. Ang guilty feeling na nagiging dahilan upang naisin ng isang tao na takasan ang kanilang buhay. Ang Bullying lalo na sa mga social media at eskwelahan at Break up, kawalan ng dahilan upang mabuhay.

Ang mga kabataan ay mas nangangailangan ng patnubay ng mas nakatatanda at ang pinakamagandang solusyon dito ay ang pagiging bukas ng mga kabataan sa kanilang pinagdaraanan at mga nararanasan upang maiwasan ang pangyayaring ito. –Ulat ni Philip “ Dobol P” Piccio