Tatay, Natagpuang Patay sa Loob ng Kwarto;, Magsasaka, Pinagbabaril Habang Nag-aararo sa Bukid, Dedo

Isang kwarenta’y singko anyos na lalaki ang natagpuang patay kamakailan sa loob ng kanyang kwarto sa barangay Rang-ayan Science City of Muñoz.

Ayon sa ulat, bandang alas kwatro trenta ng hapon ng madiskubre ng walong taong gulang na anak ng biktima ang kanyang ama na si Arnel Miguel na wala ng buhay sa loob ng kwarto na may mga bahid ng dugo.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang biktima ay may toxic thyroid disease na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Quezon- Dead on the spot ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek habang nag-aararo sa bukid sa barangay Ilog Baliuag bayan ng Quezon.

Kinilala ang biktimang si Artemio Pangilinan, singkwenta’y singko anyos, residente ng barangay Mambarao, Sto. Domingo.

Base sa imbestigasyon ng Quezon Police Station, habang nag-aararo sa bukid ang biktima gamit ang isang hand tractor ng dumating ang dalawang kalalakihan sakay ng isang Bajaj motorcycle na kulay pula at lumapit kay Artemio

Bigla na lamang binaril ng isa sa mga suspek ang biktima. Nagawa pang makatakbo palayo ni Artemio ngunit siya ay nadapa dahilan kung kaya tinamaan siya sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng muling ratratin ng isa sa dalawang suspek. – Ulat ni Clariza De Guzman