Selebrasyon ng kaarawan ni Governor Aurelio Umali, Dinagsa ng mga nagmamahal na kapamilya, kaibigan at kasamahang public servant

Ginanap sa Convention Center ang ika 49th na kaarawan ng Ama ng Lalawigan Governor Aurelio Matias Umali na ginanap sa Convention Center Palayan City.  Sinimulan ang selebrasyon ng kaarawan ni Governor Oyie Umali sa isang misa ng pasasalamat na dinaluhan ng pamilya, kasamahang public servant at mga iskolar na nakisaya sa kaarawan ng gobernador.

Nagkaroon din ng unveiling, Kung saan ang mga kulang na litrato ng mga nakaraang gobernador ay pinunan at dito rin unang nasilayan ang portrait ng pinakabagong adisyon sa mga portrait ng mga gobernador ng lalawigan ng Nueva Ecija. In-unvail ang mga portrait nina Former Governor Leopoldo Diaz, Emmanuel Santos, Narciso Nario Sr., Oscar Tino.

Dito rin in-unvail ang portrait ng pinakabagong adisyon sa mga portrait ng mga gobernador, ang portrait ni Governor Aurelio Matias Umali. Sa kanyang speech, nagbigay ng mensahe ang ama ng lalawigan sa kanyang mga nakasama sa pulitika lalo na ang mga nakasamaan ng loob sa loob ng tatlong termino. Ayon kay Governor Oyie hindi man sila maging magkasama sa pulitika ay magkaisa na lamang ang mga partido para sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Bukod dito ay napuno rin ng kantahan at sayawan ang selebrasyon lalo na ng kumanta na ang bandang Side A at Rico J. Puno. Nagpakitang gilas din sa pagkanta si Governor Aurelio Umali at Congresswoman Cherry Umali na nagmukhang isang mini concert kung saan nag-enjoy ang bawat isa.

Naging masaya at makulit ang naging pagdiriwang na bukod sa selebrasyon ng kaarawan ni Governor Oyie ay naging selebrasyon din ito ng buhay at  tagumpay ng nakaraang mga taon na pagbibigay ng serbisyo sa lalawigan bilang isang Gobernador- Ulat ni Amber Salazar.