Naagnas na Bangkay ng Isang Lola, Natagpuan sa Loob ng Banyo; Emleyado ng First Gen Hydro Electric Power Corporation Binoga, Patay

Umaalingasaw ang masangsang na amoy ng matagpuan ang naaagnas na bangkay ng isang sitenta’y sais anyos na lola sa loob ng banyo ng kanyang bahay sa bayan ng Peñaranda.

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Editha Bote nang puntahan ng mga pulis ang kanyang tahanan.

Sa ulat, isang Eric John Matias ang nagsuspetsa na may patay sa loob ng bahay ng biktima at tumawag sa istasyon ng pulisya.

Lumabas sa autopsy at medico legal examination na Myocardial Infraction ang sanhi ng ikinamatay ng biktima.

Pantabangan- Isang bala ng kalibre kwarenta’y singko ang tumapos sa buhay ng isang empleyado ng First Gen Hydro Power Electric Corporation nang barilin ito ng isang hindi nakilalang suspek.

Patay sa pinangyarihan ng insidente sa loob mismo ng kanyang bahay ang biktimang si Jay Arcie Verial ng barangay East Poblacion, Pantabangan sanhi ng tinamong tama ng bala.

Batay sa isinumiteng ulat ng Pantabangan Police Station, alas dose dyes ng hatinggabi ng sapilitang pasukin ng hindi nakilalang lalaking armado ng kalibre kwarenta’y singko ang tahanan ng biktima.

Sinipa ng suspek ang pintuan ng bahay ng biktima at pagkapasok ay agad na binaril ang biktima.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang basyo ng kalibre kwarenta’y singko at isang granada. – Ulat ni Clariza De Guzman