FREE ZUMBA, INIALAY NG PROV’L HEALTH OFFICE SA BIRTHDAY NI GOV. UMALI

Nagtipun-tipon noong January 25, 2015 ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa Freedom Park, Cabanatuan City sa pangunguna ng Provincial Health Office upang handugan ng  regalo si Governor Aurelio Umali para sa kanyang ikaapatnapo’t siyam na kaarawan.

Free Zumba dance para sa mga Zumba enthusiast, mga nagi-aerobics, at nag-eexercise araw-araw sa Freedom Park.

Ang Zumba ay isang dance fitness program na nilikha ng Colombian dancer at choreographer na si Alberto Perez noong dekada nubenta.

Binubuo ito ng pinagsama-samang steps at galaw mula sa hip-hop, salsa, mambo, at iba pa.

Alas singko y medya ng umaga ay humataw na sa saliw ng Zumba dance ang mga empleyado ng provincial government sa pangunguna ng hepe ng PHO na si Dr. Benjie Lopez katuwang ang mga Zumba trainor.

Umabot sa mahigit isandaan ang nakiisa at nakisayaw sa libreng Zumba sa Freedom Park na inialay para kay Governor Oyie Umali.

Alas sais trenta ng umaga ng matapos ang hatawan at sayawan, masarap na umagahan mula kay Gov. Oyie ang pinagsaluhan ng mga nakilahok sa Zumba. – Ulat ni Clariza De Guzman