Bitcoin, bagong modus operandi ng mga drug traffickers

Ibinunyag ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency Nueva Ecija, ang bitcoin, bilang pinaka bagong modus operandi ng mga drug traffickers sa bansa. Sa isinagawang Joint Meeting ng PPOC o Provincial Peace and Order Council, sa Cabanatuan City.

Ang bitcoin o digital wallet ay isang online currency system na ginagamit na panibagong paraan ng mga kawatan para sa mga transaksyon nila sa mga ibang lugar na legal na ipinatutupad, ang mga ipinagbabawal na droga sa bansa.

Kabilang din sa bagong estilo ng sindikato ay ang pagbebenta sa mga commercial area, partikular na ang pag chechek-in sa mga hotel. Ito ang paboritong tagpuan ngayon, ng mga tulak at bumibili ng bawal na droga. Dahil, ang seguridad ng hotel ang ginagamit nilang pansariling proteksyon laban sa mga otoridad.

Ayon kay Gov. Aurelio Umali, sisiguraduhin niya na tuloy-tuloy ang trabahong ginagawa ng mga otoridad, upang tuluyang masugpo ang kriminalidad sa lalawigan.

Inihirit din niya, na dapat manguna ang mga opisyales ng gobyerno sa pagsasailalim sa drug testing. Anya, pano mapupuksa ang ilegal na droga, kung mismong namumuno ay sangkot dito.

Base sa ulat ng PDEA, pangalawa ang Nueva Ecija sa Region 3, sa may pinakamataas na nakapagsagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga. Kung saan, anim na raan at walumput tatlo ang naaresto ng NEPPO o Nueva Ecija Provincial Office at mahigit sa apat na raan at limampu dito ay mga nakasuhan na.

Patuloy na nagtutulungan ang mga ahensya ng gobyerno, upang tuluyang ng masugpo ang kawatan sa lalawigan.- Ulat ni Danira Gabriel