NEPPO Hostel Building, pinasinayaan

Pinangunahan nila Gov. Aurelio Matias Umali at PNP Chief Alan Purisima ang pagpapasinaya sa tatlong palapag na Nueva Ecija Police Provincial Office o NEPPO Hostel Building sa PPSC Compound sa Cabanatuan City.

Naglaan ng P20M ang Provincial Government, katuwang ang Philippine National Police at National Police Commision, upang mabigyan ng maganda at maayos na Multi purpose room at Lodging rooms ang mga kapulisan.

Ayon kay Gov. Umali, karapat dapat lamang na mabigyan ng bagong gusali ang mga kapulisan, dahil sa dedikasyon at malaking pagbabagong ginagawa ng mga ito sa ating probinsiya.

Lubos ang naging pasasalamat ni PNP Chief Director General Alan Purisima sa Local Government. Anya, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong pilipinas, na nagpatayo ang Pamahalaang Panlalawigan ng isang Hostel Building para sa PNP.

Bilang Chairman ng RPOC o Regional Peace and Order Council ng Region 3 ay hinamon ni Gov. Umali ang iba pang mga punong lalawigan na iprayoridad ang mga kapulisan sa kanilang lugar.

Opisyal na rin ipinakilala ng NEPPO ang kanilang “Kuya at Ateng pulis” mascot na kumakatawan sa adhikain ng PNP na ilapit ang pulisya sa taumbayan. – Ulat ni Danira Gabriel