Year End Report: NECSL Season 3, HUC, Baratilyo, RPT, CELCOR

Agosto 2014 nang umarangkada ang kinasasabikan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo sa lalawigan, ang Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) Season 3, kung saan umabot sa labintatlong eskwelahan ang nagregister at nakipagbakbakan.

Kasabay nito nang makilala ng mga Novo Ecijano ang website na ito, www.dobolp.com, na nagsilbing karagdagang boses at plataporma ng mga sentimyento ng taumbayan. Sa loob lamang ng apat na buwan, 150,000 na ang site viewers nito habang 80,000 namang Novo Ecijano ang nakakasalamuha namin sa Facebook.

Mula sa usaping HUC at karapatang plebisito ng bayan, naging kontrobersyal ang Cabanatuan nang maitala ang muling pag-usad ng mga kilos-protesta at kontrobersya sa bayang ito, partikular sa isyu ng baratilyo o tianggeng itinayo sa tabi mismo ng pamilihang bayan, 600%-800% pagtaas ng amilyar o Real Property Tax, 89-milyong halaga ng substation project para sa karagdagang pangangailangang kuryente ng CELCOR.

Kasunod ng kilos-protesta kontra baratilyo ay nagsampa ng kaso sa korte ang Cabanatuan City Supermarket Vendors Association Inc. laban kay mayor Jay Vergara, sangguniang panlungsod, at sa operator ng baratilyo na si Engr. Bobby Pararuan. Nilalaman ng petisyon ang kahilingan ng mga tindera ng palengke na magbaba ng temporary restraining order ang husgado, ipawalang bisa ang ordinansang inindorso ni mayor vergara na ipinasa ng sanggunian para makapag-operate ang baratilyo sa tabi ng palengke at  permanenteng ipasara ang baratilyo na pumapatay sa kanilang kabuhayan.

TV48/DobolP Year-Ender:

Part 1, DobolP Yearender:

Part 2 DobolP Yearender:

Part 3, DobolP Yearender:

Part 4, DobolP Yearender: