Gandang Novo Ecijana: Amira Mercado

Habang nag-aaral ng Hotel & Restaurant Management si Amira Olga Mercado sa Wesleyan University of the Philippines, pinagkakaabalahan din niya ang pagiging aerobics instructor, freelance model at part-time talent ng ABS-CBN. Isang beauty queen at pageant holder si Amira at nakamit na niya ang mga titulong Nueva Ecija Pacific Bodies 2013, Miss Midway 2011 at Bb. Cabanatuan 3rd Runner-up at Best Talent.