NEHS BATCH ’87, BALIK HIGHSCHOOL SA KANILANG IKA-27 TAONG ANIBERSARYO

Balik Highschool sa kanilang ika 27 anibersaryo ang Nueva Ecija Highschool Batch ’87 kamakailan sa pangunguna ng kanilang presidente na si Sonny Bauto.

Sa kanilang muling pagkikita-kita, binuhay nilang muli ang musika ng dekada otsenta at nagsaya sa pamamagitan ng mga sayaw mula sa mga mag-aasral ng nasabing eskwelahan.

Humigit kumulang dalawandaang Alumni Batch ’87 ang dumalo sa kanilang pagdiriwang.

Nakiisa rin sa ika-27 pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ang kanilang mga naging guro na siyang naging gabay ng sila ay nasa highschool.

Ayon sa presidente ng Alumni Batch 87, masaya ang lahat ng muli silang nagkita-kita.

Binalikan nila ang kanilang mga nakaraan sa NEHS na isa sa mga naging dahilan at malaki ang naitulong upang sila ay magtagumpay.

Itinalaga rin  ni Bauto si Leida Severino Trinidad sa mismong pagdiriwang bilang susunod na gaganap na presidente ng Alumni Batch ’87 para sa 2017 Reunion

Asahan na ang Bacth 87 ay mas lalo pang pag-iigihin ang mga proyektong kanilang ilalaan para sa kanilang paaralang pinagmulan.- Ulat ni Shane Tolentino