Binatang natagpuang nakabigti, pinaniniwalaang nagpakamatay; lalaki na may mga tama ng bala ng baril sa ulo, natagpuan ang bangkay sa kalsada

Cabanatuan City- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa kaso ng isang binata na nadiskubreng  nakabitin sa loob ng quarters ng mga empleyado ng 4J Tiles Supply sa Barangay Daan Sarile, Cabanatuan City.

Kinilala ang biktimang si Vergel Aquino, helper sa nasabing establisyimento, residente ng Barangay San Nicholas, Gapan City.

Pinaniniwalaang nagpakamatay ang biktima na nadatnan na lamang na nakabigti ng isang nylon cord sa leeg.

Dinala sa isang punerarya ang bangkay ng ni Vergel para sa autopsy.

Lupao- Isang lalaki ang natagpuang patay kasama ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Barangay road sa Purok kwatro ng Barangay Bagong Flores sa bayan ng Lupao na may mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon sa ulat ng pulisya, personal na nagtungo sa Lupao Police Station si Rolly Gonzales ng naturang barangay at iniulat na may nakitang bangkay sa nasabing lugar.

Nakilala ang biktimang si Roderick Tubera y Yuzon, trenta’y nueve, residente ng Barangay Abar First, San Jose City sa pamamagitan ng kanyang ID at iba pang dokumento.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang basyo ng kalibre kwarenta’y singko. –Ulat ni Clariza De Guzman