Mga biktima ng paputok, bumaba ngayon taon

Sa pag pasok ng bagong taon, ibat ibang mga paraan ang ginawa ng ating mga kababayan upang maipagdiwang ang bagong taon, ang ilan ay mas pinili na lamang ang magpatugtog kaysa ang magpaputok sa taong ito.

Gayunpaman ilang mga insidente pa rin ang naitala sa pagpasok ng taon.

Sa kabila ng gun ban na pinatutupad tuwing bagong taon, ay nagkaroon pa rin ng isang kaso ng stray bullet incident sa lalawigan. Isang anim na taong gulang na bata ang naging biktima ng stray bullet, tinamaan umano ng ligaw na bala ang bata sa binti.

Nakapag tala ng labing dalawang firecracker incident sa lalawigan. Mula edad anim na taon hanggang 51 taong gulang. Pito dito ay dahil sa piccolo, Isang kaso ng dark boom, dalawang kaso ng kwitis,I sang kaso ng pla pla at isang hindi nakikilalang uri ng paputok.

Pinaka mataas ang kaso sa Cabanatuan, kung saan apat na katao ang naitalang biktima ng paputok. Sumunod ang bayan ng Sta Rosa na may tatlong biktima, dalawa sa Science City of Muñoz at isang kaso ng paputok sa Laur, San jose at Quezon.

Habang mula ng December 21-January 5 naman ay umabot sa 139 na kaso ng vehicular accident ang naitala sa lalawigan. 74 dito ay sa ilalim ng impluwensya ng alcohol.

Sa pag pasok ng taong 2015 mas bumaba ang kaso ng paputok.

Sa taong ito, ilang mga alternatibong kagamitan na ang nauuso upang maging firecracker incident safe ang mga mamamayan. Bukod s amga torotot at iba pang pampaingay, mayroon na ring mga electric firecracker , na maaari mong magamit. Katulad ng ibang paputok ay gumagawa ito ng ingay, gayunpaman maaari mo itong gamitin ng paulit ulit at hindi ito kasing delikado ng ordinaryong paputok. Ang ilan sa ating mga kababayan naman ay nakuntentoi na lamang sa  panonood ng fireworks display. -ulat ni Amber Salazar