Libong Novo Ecijano, Namasko sa Pamilya Patiag sa Bayan ng San Isidro

Libong mga kaibigang Novo Ecijano mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ang nabiyayaan ng regalo ng pamilya ni 4th District Board Member Teresita Patiag nitong nakaraang pasko.

Limang taon na ani Bokala Tess Patiag silang namamahagi ng pamasko sa kanyang mga kababayan simula pa noong 2008 kaya naging tradisyon na ito ng kanilang pamilya.

Mula pamimili, pagbabalot, at hanggang sa pamimigay ng regalo ay magkakatulong ang pamilya ni Bokala Patiag.

Wala umanong pinipili o iniitsa-pwera sa mga taong pumupunta sa kanilang tahanan, lahat ay nakakatanggap ng regalo.

Ngayong taon naging katuwang ng pamilya Patiag sina Governor Aurelio Umali, ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Umali, at Vice Governor GP Padiernos na nag-ambag ng kanilang pamasko para sa ating mga kalalawigan. -ulat ni Clariza De Guzman