Dalawang Bangkay, Natagpuan sa Magkaibang Lugar sa Lalawigan, Pagpasok ng Taong 2015

Natagpuan ang wala ng buhay na lalaki katabi ng kanyang tricycle sa gilid ng palayan sa Barangay Aglipay bayan ng Rizal.

Kinilala ang bangkay na si Albert Alcantara, singkwenta’y dos anyos, ng nasabing barangay na may tama ng bala ng baril sa kanang dibdib.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Sa kabilang dako, isa ring bangkay ang natagpuan sa Sitio Pantoc barangay San Francisco, bayan ng San Antonio na kinilalang si Jay-ar Fernando, dalawampong taong gulang, residente ng Barangay San Mariano sa bayang nabanggit.

Ayon sa impormasyon, walang nakitang senyales ng malisyosong pagpatay sa biktima maliban sa pasa nito sa kaliwang mata. – Ulat ni Clariza De Guzman