Delta Phi Omicron Fraternity at Omicron Phi Delta Sorority, namigay ng groceries, tsinelas, at damit sa mga Katutubong Dumagat

Namigay ng groceries, tsinelas, at damit ang Delta Phi Omicron Fraternity at Omicron Phi Delta Sorority  sa walumpo at apat na pamilya ng mga mga katutubong Dumagat sa Dupinga, barangay Tagumpay sa bayan ng Gabaldon.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-tatlumpo at anim na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng chapter ng nasabing fraternity at sorority sa NEUST o Nueva Ecija University of Science and Technology.

Pinili aniya nila na mag-bonding sa Dupinga para makapagbigay ng kaunting tulong sa mga katutubo upang maging mas makabuluhan ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo

Masayang tinanggap ng mga Dumagat sa pangunguna ni Chieftain Renato Casamis ang mga ipinagkaloob na regalo sa kanila ng mga miyembro ng Delta Phi Omicron at Omicron Phi Delta.

Ayon kay Chieftain Casamis, ipinagpapasalamat nila na naalala silang bahaginan ng tulong, dahil salat sila sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain ng pagkain.

Pagtatanim lang umano ng bocaue ang kanilang pinagkakakitaan at ang buwis na ibinabayad sa kanila ng mga may-ari ng cottage sa Dupinga.

Kaya nananawagan ang mga katutubo na sana’y matulungan sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pananim na palay, gabi, at luya upang magkaroon sila ng kabuhayan. –Ulat ni Clariza De Guzman