261 MIYEMBRO NG CABANATUAN CITY SENIOR CITIZEN ASSOCIATION, NAKISAYA SA CHRISTMAS PARTY AT INDUCTION OF OFFICERS NG KANILANG ASOSASYON

Dumalo at nakisaya ang dalawang daan at anim naput isang miyembro ng CSCA o Cabanatuan City Senior Citizen Association sa ginanap na Christmas Party at Induction of Officers o Pagtatalaga sa tungkulin ng mga opisyales, sa pangunguna ng kanilang tigapayo na si Doc. Anthony Matias Umali, sa Ortiz Compound, General Tinio Street, Lungsod ng Cabanatuan, kahapon.

Ang mga nagsidalo ay nagmula sa labing apat na barangay ng Cabanatuan, na nagpakita ng kanilang iba’t ibang talento tulad ng pagsayaw at pagkanta.

Dumalo bilang Guest Speaker si Doc. Anthony Umali sa naturang selebrasyon, kung saan sinabi nito na ang samahan ng CSCA ay hindi katulad sa ibang samahan ng mga Senior Citizen na nakikipagpaligsahan, ang mahalaga aniya ay mayroong pamilya, may pagtutulungan, pagkakaisa, at pagmamahalan.

Binigyang pugay ni Doc. Anthony ang mga Senior Citizen, kung saan aniya nararapat lamang na maging malaya ang mga Senior Citizen, bilang sila ay mga magulang, na magbigay payo, para sa hinaharap  at tuwid na daan ng Lalawigan at Lungsod ng Cabanatuan.

Pinangunahan din ni Doc Anthony ang panunumpa sa tungkulin ng mga naihalal na opisyales ng CSCA.

Nag-iwan ng mga munting regalo si Doc. Anthony para sa 261 miyembro at iba pang kapamilya ng mga nagsidalong Senior Citizens bilang karadagdagang kasiyahan para sa kanilang Christmas Party.

Munting kahilingan ng Pangulo ng CSCA na si dating Police Superintendent Magno G. Mamangon Jr. na sana’y mabigyang pansin ang mga katulad niyang Senior Citizen, at nahiling nito ang pagkakaisa ng lahat ng mga Senior Citizen sa buong Cabanatuan City.

Lubos naman ang pasasalamat ng Pangawalang Pangulo ng CSCA na si Ginang Arcadia F. Ortiz, kina Governor Aurelio Matias Umali, Congresswoman Cherry Umali at Doc Anthony Umali na lagi aniyang nakaagapay para sa kanila.- Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio