NOTORIOUS DRUG PUSHERS, NADAKIP; ISA PA, HULI SA ENTRAPMENT OPERATION

Sta Rosa- Sinalakay ng pinagsamang pwersa ng Provincial Counter Intelligence Special Operations Group, Philippine Drug Enforcement Region 3 at Sta. Rosa Police ang isang bahay sa Sitio Pasong Kalabaw barangay Mariano, bayan ng Sta. Rosa.

Bitbit ang search warrant na ipinalabas ni Judge Primo Sio Jr. ng RTC Branch 23 Cabanatuan City para sa paglabag sa R.A. 9165 ay nasamsam mula kay Danilo Verdillo y Candelaria, kwarenta’y sais anyos, at Annabelle Mulleno y de Guzman, bente otso anyos, residente ng Poblacion, Marilao, Bulacan ang labing-siyam na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang tumitimbang ng mahigit sampong gramo, iba’t ibang drug paraphernalia, at dalawang bala ng shotgun.

Si Verdillo ay pangatlo sa listahan ng target drug personalities sa Sta. Rosa.

Jaen- Nahuli ng Jaen Police ang isa pang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang entrapment operation sa barangay San Vicente, bayan ng Jaen.

Kinilala ang suspek na si Nonilon Hipolito y Barlis alyas Tunot, kwarenta’y sais anyos, ng naturang lugar.

Nakumpiska sa suspek ang isang piraso ng maliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu, at marked money na isang five hundred peso bill.- Ulat ni Clariza De Guzman