MGA KALAHOK SA 5TH GOVERNOR’S CUP TAEKWONDO CHAMPIONSHIP, NAGPAKITA NG DISIPLINA AT LAKAS

Naging masiklab ang laban ng mga kalahoik sa ginanap na Governor’s Cup Taekwondo championship sa SM Mega Center nitong nakaraang Sabado (December 6).

Ito ay buong pusong sinuportahan ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali,  ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Umali at Former Board Member Doc Anthony Umali.

Hinati ito sa Elementary, Highschool at Senior Category. Cute at makulit man ang mga kabataang kasali sa patimpalak, kitang-kita naman ang kanilang mga galing pagdating ng kanilang mga laban.

Ilang mga nakamamanghang moves din ang ipinamalas ng mga kalahok.

Naging mainit man ang mga laban ay makikita ang disiplina ng bawat kalahok sa patimpalak. At pati na rin ang suporta ng kanilang mga mahal sa buhay. – Ulat ni Amber Salazar