MAHIGIT 2, 000 RESIDENTE SA BAYAN NG SAN ANTONIO, NABIGYAN NG LIBRENG BAKUNA PARA SA ANTI PNEUMONIA

Mahigit 2,000 Novo Ecijano ang nabigyan ng libreng bakuna para sa anti-pneumonia na isinagawa sa ako ang saklay center sa brgy. Luyos sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija.

Ang naturang libreng bakuna ay ipinagkaloob ni 3rd District Congw. Cherry Umali na personal pang nagtungo sa lugar.

Ayon kay Fr. Arnold Abelardo tumatayong head sa Ako ang Saklay Center, malaki ang ibinibigay na suporta ng kongresista sa kanila lalo na sa mga PWD’s o People With Disabilities.

Sinabi pa ni Fr. Abelardo, isang mabuting lider, may mababang loob at pagmamahal sa kapwa ang katangian ni Congw. Cherry na siyang dapat taglay umano ng isang pinuno.

Samantala, bukod sa libreng bakuna, nagkaloob rin ng bagong saklay, wheelchair at artificial legs ang kongresista katuwang ang iba pang ahensya at organisasyon sa mga PWD hindi lamang sa Ako ang Saklay Center kundi maging sa mga pwd na dumayo roon mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Kaya naman sina Aling Erlinda at mang edgardo na kapwa residente ng Bibiclat Aliaga at naputulan ng tig isang paa dahil sa sakit na diabetes at pagkapasma ay labis ang pasasalamat sa kongresista dahil dalawa lamang sila sa mga siguradong mabibigyan ng artificial legs.

Kasabay nito, ilang computer sets pa ang iniregalo ni Congw. Cherry sa nasabing center upang mas makatulong sa mga ito maging sa mga residente sa brgy.

Dahil dito lubos rin ang pasasalamat ni fr. abelardo kina Congw. Cherry Umali at Gov. Oyie Umali na siyang nanguna sa pagbibigay sa kanila ng mga ito.- Ulat ni Mary Joy Perez