LOLO AT LOLA, NAGPALIGSAHAN SA PAG AWIT

Pinatunayan ng lolo at mga lola na may ibubuga pa sila sa pagkanta sa ginanap na Amateur Singing Contest, sa Palayan City.

Bumirit ang mga kalahok sa kanilang pag awit. Mayroong todo bigay sa kanyang pag kanta at napapasayaw pa.

Habang, birit kung birit si lola sa kanyang pag awit ng “Babalik Kang Muli”.

Makatindig balahibo naman ang ipinamalas ni Contestant no. 2 sa kanyang interpretasyon ng kantang “Hanggang”.

Sa huli, naiuwi ni Contestant no. 2 Ricardo Agpangan ang tropeo at cash prize.

Bukod sa mga lolo at lola, ay hindi rin nagpatalbog ang mga kabataan sa pagpapamalas ng kanilang mga nag gagandahang tinig.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Ika 49th Founding Anniversary ng lungsod ng Palayan, bilang pag tuklas sa mga bagong talentadong Palayanos.- Ulat ni Danira Gabriel