CARL RAYO AT KATHRYN UGALI, ITINANGHAL BILANG MR. AND MS. AMA-CABANATUAN

Itinanghal bilang Mr. and Ms. AMA- Cabanatuan sina Carl Joiv Rayo at Kathryn Ugali na ginanap sa Main Atrium ng NE Pacific Mall kamakailan.

Sa labing-anim na kandidato at kandidata na nagpatalbugan, lumutang ang kagandahan at kakisigan ng Candidate Number 3 na sina Carl Joiv Rayo at Kathryn Ugali.

Hindi lamang sa ganda ng kasuotan at galing sa pagrampa ang ipinamalas ng dalawa.

Maging sa Question and Answer portion ay lumutang ang katalinuhan nina Rayo at Ugali ng tanungin kung paano nila maipapaliwanag ang salitang “Friendship” at “Faith.”

Nakuha rin ni Rayo ang Best in Swim Wear at Best in Formal Wear.

Samantala, nakamit naman ni Ugali ang Best in Swim Wear, Best in Talent at Best in Formal Wear.

Hindi rin nagpahuli ang 1st runner-up na sina Jefferson De Leon, Candidate no. 2 at Joriza De Belen, Candidate No. 1 at nakuha ang Best in Casual Wear.

2nd runner naman sina Dguedeth Tan, Candidate No. 6 at Lawrenz Arzanan, Candidate no. 6 na nakuha rin ang Best in Talent. At Best in Casual Wear.

Ang Mr. and Ms. AMA 2014 ay bahagi ng kanilang isang linggong selebrasyon ng ika-tatlumpu’t apat na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang institusyon.- Ulat ni Shane Tolentino