Mga Kinatawan ng Bureau of Corrections at Public-Private Partnership Center, Sinabon ni Governor; Conceptual Design ng New Bilibid Prison Project , Binago

Nakatikim ng sermon mula kay Governor Umali sina Bu Cor Assistant Director Teodora Diaz at Project Development Officer John Dominic Zale dahil iba umano ang ipinirisenta nilang disenyo ng New Bilibid Prison Project  kumpara sa nauna nilang ipinakita noong nagkaroon ng presentasyon sa Nueva Ecija kaugnay sa nasabing kulungan.

Inaasahan ng ama ng lalawigan base sa inisyal na pag-uusap tungkol sa proyekto na paghihiwa-hiwalayin ng kulungan ang mga preso, partikular ang mga high profile inmate para ma-maximize ang Php 50 Billion na budget at 500 hectares na sasakupin ng New Bilibid Prison at hindi pagtatabi-tabihin kagaya ng ipinirisenta ng Bu Cor sa quarterly meeting ng RPOC sa Clark, Pampanga.

Paliwanag ni Governor Oyie, mapanganib na pagtabi-tabihin ang mga preso sa kulungan, halimbawa ang mga terorista at drug lords dahil posibleng magkaroon ng sila ng komunikasyon.

Kapag hindi umano binago ang conceptual design ng kulungan kung saan pader lang ang magiging pagitan ng mga preso ay ang gobernador ang unang-unang tututol at hindi magbibigay ng permiso na maipatayo ang proyekto.- ulat ni Clariza de Guzman