MGA ESTUDYANTE NG NEHS, RUMAMPA AT NAGTAGISAN SA SALITANG INGLES

Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang mga manunuod, ng lumabas na ang kanilang mga pambato sa ginanap na English Ambassador and Ambassadress ng NEHS o Nueva Ecija High School.

Kakaiba ang English Ambassador and Ambassadress sa mga tipikal na Beauty Contest. Dahil hindi lamang papormahan sa pagrampa ang labanan at kagandahan o kagwapuhan ang basehan, kundi dito masusubukan ang kagalingan ng bawat isa sa pagsasalita at pag gamit ng lenggawaheng Ingles.

Ayon kay Mary Jane Atienza, Pangulo ng English Fair. Mahalaga na matutunan at paunlarin ng mga estudyante ang salitang Ingles hindi lamang sa loob at labas ng eskwelahan, kundi lalong higit sa pang araw-araw na pakikihalubilo sa tao.

Suot ang kanilang ang uniporme ay isa-isang rumampa at ipinahiwatig ng bawat kalahok ang kanilang adbokasiya, kung bakit sila ang karapat dapat na maging kinatawan ng asignaturang Ingles.

Napahanga naman ng mga kalahok, ang mga manunuod ng sumabak na ang mga ito sa interview and word analysis. Kung saan, magbibigay ng opinyon ang bawat isa sa salita na kanilang napili.

Sa huli, itinanghal na English Ambassador si Candidate No. 1 John Ezekiel Villuan at si Candidate No. 7 Charlotte Mercado bilang English Ambassadress.

Layunin ng programa na pagyamin pa ang lenggwaheng ingles, sa bawat estudyante ng NEHS. –Ulat ni Danira Gabriel