Pagiging workaholic, may negatibong epekto sa pisikal at emosyonal na kalusugan

Ang adiksyon ay isang uri ng karamdaman na maraming tao sa buong mundo ang nakararanas. Katulad ng regular na pag-inom ng kape, paglalaro ng online games, o pagiging online araw-araw. Workaholic o adiksyon sa trabaho, ano nga ba ito at kailan ka matatawag na isang workaholic?

Sa buhay ng isang tao lalo na sa mga nasa tamang edad na  ang pag ta–trabaho ay hindi maiiwasan. Dito ka nakakukuha ng iyong pang-araw-araw na pang astos at pangtustos sa iyong mga kinakailangan.

Pero para sa ilan hindi lamang ito parte ng kanilang buhay kundi dito na umiikot sa trabaho ang kanilang atensyon at oras.

Ang work addiction kadalasan ay nagmumula sa kagustuhang maabot ang quota, deadline, o may inaabot na pangarap sa buhay.

Ang kagustuhang umasenso sa lalong madaling panahon ay ang nagiging dahilan upang naisin ng isang tao na magtrabaho ng higit pa sa kinakailangan at minsan ay higit pa sa kinakaya ng katawan.

Ang sobrang pag ta-trabaho ay nagiging dahilan ng stress, paranoia, kawalan ng tulog, kawalan ng social life at oras sa pamilya, pagiging mainitin ng ulo dahil sa kawalan ng tulog at sapat ng pahinga.

Minsan ang sobrang pag ta-trabaho ay resulta ng pagtakas sa problema katulad ng financial problem, annulment, kamatayan ng mahal sa buhay at lungkot.

Ngunit ang pagtakas dito gamit ang sobrang pag ta-trabaho ay nagbibigay lang lalo ng stress sa katawan ng isang tao na maaaring maging mitsa ng isang uri ng karamdaman.

Ang mga taong workaholic ayon sa healthline.com ay kinakailangan ng lunas ng katulad sa mga taong may adiksyon sa ipinagbabawal na gamot.

Ang malayo sa trabaho ay nagiging dahilan upang maging stressed ang isang taong worlkaholic.

Kung hindi naman malala ang pagiging workaholic, ang pagbabakasyon sa trabaho kasama ang pamilya at mahal sa buhay ang pinakamagandang paraan upang maitigil na ang kagustuhang laging magtrabaho.

Ang pagkakaroon ng ibang mapag-aabalahan katulad ng family day o di kaya’y panibagong hobby.

Laging tatandaan na ang pagiging masipag ay hindi naman masama, ngunit kung ito ay nakakasagabal na sa iyong kalusugan, at personal na buhay dapat nang mag hinay-hinay muna.- Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio