Makulay na Lantern Parade sa Sta. Rosa Nueva Ecija, gawa sa recycled materials

“Makulay at nakakatulong sa ating kalikasan” yan ang naging tema ng Lantern Parade sa  Sta Rosa, Nueva Ecija kung saan  naging tampok ang mga parol na gawa ng mga estudyanteng nakilahok sa patimpalak na idinaos sa parke ng bayan ng Sta. Rosa.

May kampana, bituin, regalo at marami pang iba na sa ganda ay halos hindi mo akalaing gawa ito sa mga recycled materials.

Nakiisa ang lahat ng elementary school sa Sta. Rosa kung saan nagpakita sila ng husay sa paggawa ng iba’t ibang mga parol na may galing sa pagpapakita ng sining at pagmamahal sa inang kalikasan.

Inaasahang sa mga susunod na panahon ay taon-taon na itong idadaos. Hindi lamang ito nagpapakita ng pagiging malikhain at pagmamahal sa kalikasan kundi naipapakita rin nito na ang basura para sa ilan ay mayroon pa ring gamit at hindi kailangang itapon na lamang. Ulat ni Amber Salazar