Kaso ng pangingikil laban sa mga opisyal ng Quezon District Cabanatuan City, isinampa ng isa sa Toda ng barangay

Timbog sa by bust operation ang ilang mga Baranggay Officials ng Quezon District matapos maghain ng reklamo ang ilang myembro ng Toda sa pulisya ng dahil sa pangingikil.

Ayon sa statement na inilabas ng NBI, nagreklamo umano ang ilang miyembro ng Toda sa Quezon District dahil umano sa lingguhang paghingi ng 40 pesos sa bawat miyembro ng Toda.

Ayon sa NBI, dumulog sa kanilang tanggapan ang  ilang miyembro ng Toda at humingi ng tulong. Agad na nagconduct ng by bust operation ang NBI na nagresulta sa pagkakahuli ng Sekretarya at ilang myembro ng barangay.

(Sinubukang humingi ng pahayag ng TV 48 mula sa opisyal ng Queson District ngunit tumanggi itong humarap sa Camera.)- Ulat ni Amber Salazar