Miyembro ng Teteng Capisnon Robbery Group, todas; Mag jowa, huli sa pot session

Agad na binawian buhay ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Laur Police habang inihahain ang warrant of arrest laban sa mga miyembro ng isang robbery group.

Sa ulat na ipinadala ng Laur Police Station, kinilala ang napatay sa engkwentro na si Raffy Estrera y Capisnon, bente uno anyos, miyembro ng Teteng Capisnon Group habang nadakip naman ang  kasamahan nitong si Loloy Capisnon alyas Loy, trenta’y kwatro anyos .

Base sa imbestigasyon, dakong alas otso trenta ng umaga dumating ang mga awtoridad sa hideout ng dalawang suspek.

Nakipaghabulan at tinangkang tumakas ng dalawa sa mga pulis sa Sitio barrio Site Barangay Sagana sa bayang nabanggit, kung saan agad na tumimbuwang si Estrera na nakipagbarilan gamit ang maikling armas.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre kwarenta’y singko, isang magazine na kargado ng mga bala ng nasabing baril.

Munoz– Isang mag-asawa ang naaresto kamakailan matapos mahuli sa aktong nagpa-pot session sa Barangay Poblacio North, Science City of Munoz.

Kinilala ang mag-asawa na sina Joseph Listerio y Hizon, trenta’y tres anyos at Kristine Michelle Listerio, trenta’y uno anyos.

Nakuha sa dalawa ang mga drug paraphernalia na lighter, improvised tooter, at aluminum foil.-Ulat ni Clariza De Guzman