BINGO NOVO ECIJANO, LUMARGA NA NAMAN SA 8 NA BRGY. SA LUNGSOD NG CABANATUAN

Labis-labis ang kasiyahan at kagalakan ng mga taga brgy. Imelda, D.S.Garcia, Matadero , Melojavilla, Mayapyap sur at norte, maging ang brgy.  Cabu at Communal dahil sa pagbisita at pag-ikot ng Bingo Novo Ecijano sa mga brgy. Sa lungsod ng Cabanatuan.

Iba’t-ibang pakulo ang inihanda ng grupo ng Tv48 na lalong nagpaligaya sa mga Cabanatueño.

At bagamat nagkaroon ng aberya sa Brgy. Cabu dahil sa pagkawala ng koneksyon ng kuryente, hindi naman ito naging dahilan upang itigil ng grupo ang pagbibigay ng saya at aliw sa mga Cabanatueño.

Ang Bingo Novo Ecijano ay bahagi ng promotional caravan ng Tv48 upang magbigay aliw at saya sa mga Novo Ecijano partikular sa mga Cabantueño.

Ito ay sa pangunguna ng boses ng katotohanan Philip “Dobol P “ Piccio sa pakikipagtulungan nina Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie” Umali, 3RD Didtrict Congq. Cherry Umali at former Boardmember Doc. Anthony Umali.

Sandamukal na mga papremyo ang inihanda ng Tv48 sa mga residente ng apat na brgy. kabilang na ang saku-sakong bigas at mga groceries.

Bawat winner hindi maikubli ang pagkagalak sa natanggap na maagang pamasko ng stasyon.

Libu-libong Cabanatueños na ang nanalo at nabigyan ng maagang pamaskong regalo ng Tv48. Asahan po na lilibutin ng Tv48 ang inyong mga brgy. lalo na sa Cabanatuan kaya naman huwag po kayong mag-alala dahil maramni pang surpresang inihanda ang inyong kaibigan Tv48.- Ulat ni Mary Joy Perez