7-anyos , Ginahasa ng Manyak na Kapitbahay; Construction Worker, Nahulihan ng Marijuana

Isang pitong taong gulang na batang babae ang sinamahan ng kanyang ina sa himpilan ng pulisya upang ipagharap ng reklamo ang isang manyak na kapitbahay na nangmolestiya at nanggahasa sa kanya sa bayan ng Zaragoza.

Swak sa kulungan at nahaharap sa kasong Rape in relation to R.A 7610 ang suspek na si Jesus Espino y Santiago, sisenta anyos, ng Barangay San Isidro, ng naturang bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Rhoda Ravilas, ng Womens and Children Concerned Desk, alas syete ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Base sa salaysay ni Angel, hindi tunay na pangalan, naglalakad siyang mag-isa sa bakanteng lote malapit sa bahay ng suspek nang dumating ang kanyang kalaro na si “Carlos” at itinulak siya sa loob ng bahay ng suspek .

Ngunit pagpasok doon, sinimulan nang hubaran ng pang-ibabang saplot ang paslit at isinagawa ang panghahalay.

Nahuli sa akto ng ina ng biktima ang suspek na nakapatong sa kanyang anak.

Pansamantalang isinailalaim sa pangangalaga ng DSWD si “Angel” upang mailayo sa kanilang lugar at dumaan sa counseling.

CABANATUAN CITY– Arestado ang isang construction worker matapos mahulian ng pinatuyong dahon ng marijuana sa lungsod ng Cabanatuan.

Nakilala ang suspek na si Jenry Avila y Aquino, kwarenta’y kwatro anyos at residente ng barangay Atate, Palayan City.

Ayon sa impormasyon, dahil sa hinalang gumagamit ng marijuana ay hinalughog ng mga guwardiya ang mga gamit ng tatlong construction worker ng GRAMCO building sa barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City .

 

Natagpuan sa backpack ng suspek ang dalawang pakete ng marijuana fruiting tops.- Ulat ni Clariza De Guzman