GALING NOVO ECIJANO: Natalie “Erin” Martinez

Hindi lamang ang kampeonato sa 9th Europop Berline Pearle ang dahilan sa pagsisikap ng bawat delegado kundi pati na rin  ang karangalang mai-represent ang bansang Pilipinas. Nagbigay ng sample sa galing sa pagkanta ang mga delegado nang isara nito ang mall tour sa Robinsons Cabanatuan nitong Nov. 15. Pasok si Glee Nette Gaddi (14-17 years old) division, Gian Marla Gloria at Ana Ramsey sa 18-24 years old division at Natalie “Erin” Martinez and Chacha Cañete (10-13 years old division).

At isa sa  mga delegado ay ating kababayan, si Natalie “Erin” Martinez sa galling sa pag awit, isang proud Novo Ecijana.

Ang Pilipinas ang kaisa-isang bansa sa Asya na pumasok sa kompetisyon na gaganapin sa Berlin, Germany.  Maghaharap ang mga delegado mula Germany, Russia, Australia, England, Italy, Sweden, Latvia, Lithuania, Gerogia, Romania, Malta, Spain, Ukraine, Poland, Bulgaria, Armenia, Belarus at Czech Republic.

Inaasahang magiging mainit ang laban, kaya’t masinsinan din ang naging screening ni Ms. Charie Vega, ang managing director ng Vega Entertainment Productions.

Ulat ni Amber Salazar