PNoy, bumisita sa bansang China upang muling pagtibayin ang ugnayan ng dalawang bansa

Nais na ng kapayapaan ni Philippine President Benigno Aquino lll sa pagitan ng bansang Pilipinas at bansang China.

Sa APEC CEO Summit, ani PNoy and we Quote “It’s also in the Philippines’ interest to achieve harmony with all of its neighbors. There are so many practices that each country can benefit from as we face common challenges.”

`”For instance, right now we will be welcoming some of our peacekeepers back to the country next week, who are coming from the West African states, specifically from Liberia where Ebola is, I think, a virus or a disease that is in the minds of everybody.”

Nais ng presidente ng bansa na magkaisa na ang bansang Pilipinas at China, lalo pa at dumarami ang iba’t ibang sakuna at sakit na kumakalat sa buong mundo. Gayunpaman, ang mga hindi pagkakaunawaan na tumagal na ng ilang taon ay naging dahilan upang magkaroon ng tensyon ang ilang mga bansa sa South East Asia laban sa bansang China.

Ang Vietnam, Indonesia, Malaysia, Philippines, Taiwan at Japan ay bumuo ng isang alyansa laban sa bansang China at sa 10 dash line nito na sumasakop sa West Philippine Sea. Sa APEC Summit dito, makakaharap ng mga leader ng iba’t ibat bansa ang mga business leaders sa iba’t ibang bansa kabilang na ang bansang China, Australia, Chile, Japan, Peru, at Estados Unidos.

Gayunpaman, nais mang magkaisa ng dalawang bansa, hindi umano nakalatag sa schedule ng pangulo ang pag-uusap sa gobyerno ng bansang China at Pilipinas patungkol sa Panatag Shoal at Kalayaan Group of Islands. Sa ngayon ay naniniwala ang mga bansa na makakatulong ang APRC Summit upang mapagtibay ang magandnag samahan ng mga bansang kabilang dito. Ulat ni Philip “ Dobol P” Piccio