Leadership workshop ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija, dinaluhan ng 35 pinuno

Dinaluhan ng tatlumpo at limang mga lider ng iba’t ibang departamento at tanggapan ng Provincial Government ang tatlong araw na Workshop on Leadership na pinangunahan ng PHRMO.

Siyam sa mga nakiisang pinuno ang nakailalim sa Tanggapan ng Punong Lalawigan Aurelio “Oyie” Umali, at lima ang nakapaloob sa Special Programs and Projects ng Governor’s Office.

Samantala tatlo sa mga Department Heads ang kauupo pa lamang sa posisyon na sina Provincial Sports and Youth Development Division Chief Johann Ocampo, Provincial Trade and Industry Office Chief Alfredo Ilagan, at Provincial Manpower Training Center Chief Raoul Esteban.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga hepe ng Pamahalaang Panlalawigan na makapag-bonding sa unang araw ng workshop.

Sa aktibidad na inihanda ng sumunod na araw ay mas nakilala naman ng mga lider ang kanilang mga kapwa pinuno at mga sarili.

Naglalaman ng pagpapaunlad ng kakayahan sa pamumuno bilang public servant ang inilaang mga lecture sa workshop na may layuning mas mapagaling pa ang paglilingkod ng mga lider ng lalawigan sa mamamayan. – Ulat Ni Clariza De Guzman