Miss Heritage 2014 Odessa Mae Tadaya, nag-organisa ng Fun Run

Humigit kumulang limandaang mananakbo mula sa lalawigan ng Nueva Ecija ang tumakbo sa ginanap na Run for Heritage 2014 noong linggo na inorganisa ni Miss Heritage 2014 Odessa Mae Tadaya.

Layunin ng nasabing Fun Run na ibalik at muling ipabatid sa mga kabataan ang tunay nating pinagmulan at para makalikom ng rin ng pondo na gagamitin umano ng Team Miss Filipinas na tutungo sa Johannesburg South Africa sa Disyembre 1-13.

Isa si Bell sa mga nakilahok at tumakbo sa naturang Fun Run.

Ayon kay Bell, nakiisa siya rito bilang suporta kay Odessa na siyang pambato ng Pilipinas sa Ms.  Heritage 2014.

Isa sa mga naging highlights ng Fun Run ang high heels race o ang pagtakbo o paglalakad ng mabilis ng mga babaeng runners na nakasuot ng matataas na heels o takong.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Odessa sa lahat ng sumuporta sa kanya at sa buong Team Miss Filipinas.

Ang Miss Heritage ay isang kompetisyon na naglalayong i-promote, i-conserve at i-restore ang Heritage na tila nalilimutan na ng marami.

Sa mga nais suportahan si Odessa, maaaring bumoto online just log on www.tinyurl.com/ms. Heritage 2014.- Ulat ni Mary Joy Perez