Inagurasyon ng PNP Bldg sa Science City of Muñoz, dinaluhan ng ama at ina ng lalawigan

Nakiisa ang ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali at ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Domingo Umali sa inagurasyon ng panibagong  PNP Headquarters sa Science City of Muñoz.

Bago pa man ito nagsimula ay nakiisa na ang ama at ina ng lalawigan sa Flag Raising Ceremony ng Science City Of Muñoz, na pinangunahan ni Science City of Muñoz Mayor   at Vice Mayor Tequila Alvarez.

Sa tulong ng Department Of Interior And Local Government at Provincial Government ng Nueva Ecija. Patuloy na pinauunlad hindi lamang ang serbisyo ng mga kapulisan kundi pati na rin ang availability ng mga pasilidad kung saan mas mapapabuti ang serbisyo ng mga kapulisan sa ating mga mamamayan.

Bukod sa inagurasyon ay nakiisa din ang ama at ina ng lalawigan sa panunumpa ng sangguniang  baranggay, lahat ng 37 baranggay na nakiisa sa layuning ito kung saan inaabot ang mga mamamayan upang maibigay ang personal na serbisyo na nakalaan sa bawat mamamayan ng Nueva Ecija. Ulat ni Amber Salazar