Fun Run ng Premiere Medical Center para sa Cancer Awareness, dinumog ng libong katao

Naging matagumpay ang Peoples Move against Cancer, isang Fun Run na pinangunahan ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute.

Bukod sa mga maagang nagparehistro, dinumog din ito ng mga walk-in participants ang Fun Run na talaga namang nagpakita ng tagumpay ng event na ito.

Ang nalikom na halaga ay buong pusong gagamitin upang itulong sa mga indigent Novo Ecijano patient ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute.

Sa fun run na ito, hindi lamang mga taong nais tumulong at mga kabataan ang nakiisa. Ilan ding mga cancer survicor at mga taong may karanasan sa cancer ang hindi nagpahuli sa pagtakbo laban sa Cancer.- Ulat ni Amber Salazar