Ebola, pinaghahandaan na ng bansang Pilipinas

Sa tulong ng mga Infectious Disease Expert mula sa ibang bansa, patuloy na pinalalakas ng bansang Pilipinas ang kanilang proteksyon laban sa Ebola. Sa mga unang buwan ng taong 2014 ay nag-install agad ng mga temperature monitoring devices ang iba’t ibang airport upang malaman kung may lagnat ba  ang isang pasahero nito.  Ang pagtaas ng temperature o lagnat ay ang unang senyales ng pagkakaroon ng Ebola.

 

Ayon kay Palace Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa isang interview and we quote

Todo tutok po ang ating Pangulo at ang Gabinete sa isyung ‘yan. (With) highest importance po ang pagtingin sa banta ng Ebola.”

 

Dahil sa MERS COV, SARS, Bird Flu at iba’t ibang uri ng sakit na kumalat sa mundo partikular sa South East Asia ay naging dahilan na rin ito ng paghihigpit ng NAIA.  Gayunpaman, maging ang Estados Unidos, ay hindi nakaligtas sa Ebola. Kung saan minsan na ring napasok ng Ebola Reston Virus ang Pilipinas, maging ang SARS, at sa MERS COV ay hindi nakaligtas ang bansang Pilipinas.

 

Sa ngayon ay parte ang DILG sa task force na magpapanatili ng kaayusan at pagpapaunlad ng depensa ng bansa sa Ebola. Ilang mga pasilidad na rin ang inihanda para sa mga maaaring maging Ebola positive sa loob ng bansa.

 

Ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa, San Lazaro Hospital sa Manila, Lung Center of the Philippines sa Quezon City, Hospitals sa Western Visayas, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Bicol, Tuguegarao at Baguio City ay ang ilang mga ospital na mayroong isolation room  para sa Ebola  Virus positive patients.

Ilang mga health care workers na rin ang umatend sa seminar sa guidelines na pinangunahan ng World Health Organization. – Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio