Bangkay, natagpuang lumulutang sa Pampanga River malapit sa pampang; Magsasaka, niratrat habang bumibili, patay

San Isidro- Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang babae sa Pampanga River malapit sa pampang sa barangay Calaba, bayan ng San Isidro.

Sa ulat ng San Isidro Police, isang tawag mula Joselito Magno, residente ng naturang barangay ang natanggap ng kanilang himpilan at ipinagbigay-alam na may nakitang palutang-lutang na bangkay sa nasabing ilog.

Dumating ang mga awtoridad at natagpuan ang bangkay ng isang babae, tinatayang nasa edad kwarenta hanggang kwarenta’y singko anyos, may taas na five feet hanggang five six, katamtaman ang pangangatawan, at kayumanggi ang kutis.

Sta. Rosa- Isang magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang suspek habang ito ay bumibili sa isang tindahan sa barangay Luna, bayan ng Sta. Rosa.

Ang biktima ay nakilalang si Melvin Ramirez, bente syete anyos, may asawa, residente ng naturang barangay.

Batay sa ulat na dakong alas sais bente ng gabi bibili sana ng pagkain ang biktima sa tindahan nang lapitan ng isang lalaking bumaba ng sinasakyang motorsiklo.

Agad na pinagbabaril ng suspek na armado ng maikling baril ang biktima.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo at isang bala ng kalibre kwarenta’y singko.- Ulat Ni Clariza De Guzman.