J-King Tupak ng Pinas, landslide sa pagkapanalo sa Word War Flip Top Battle

Naging mainit ang laban sa Word War hantungan na ginanap sa Rain Forest, Cabanatuan City. Ang Fliptop Battle na ito ay isang paraan kung sino ang susunod na matatampok sa fliptop na isang yumayabong na uri ng talastasan ng isip at pagiging malikhain gamit ang salita.

Nakiisa din sina Flict G, at Sinio, mga kilalang fliptop artist na kilala na sa mundo ng pagra-rap. Nagpakita ang mga kalahok ng galing sa pagbitaw ng mga linyang nagpamangha sa mga judges at manonood. Mga linya na nagpamalas ng galing sa pag wo-word play ay tunay na hindi malayong abutin  sa mga susunod na panahon. At mga linyang hindi lamang nagpapakita ng pagiging malikhain sa salita kundi pati na rin sa pagiging isang rapper na tubong Nueva Ecija.

Ang pinakatampok na laban ng gabi ay sa pagitan nina Invictus ng Olongapo at J-king ng Cabanatuan.

Dito nagpamalas ng galing ang tunay na sariling atin ng nagtapos ang laban sa score na 5-0 pabor para sa ating kababayan na si J-King.

Bukod kay J- King, pasok na rin sa Fliptop Battle ang isang Novo Ecijano na si Romano.

Ang fliptopay isang makabagong uri ng sining na nagpapakita sa yaman ng salitang Pilipino at talino ng mga mamamayan nito.

Sa patuloy na suporta sa ating mga artist ang pamamayagpag ng lahing Novo Ecijano ay tunay na hindi malayong abutin  sa mga susunod na panahon.- Ulat ni Amber Salazar