Bingo Novo Ecijano: Sanbermecristi

Maagang pamasko ang hatid ng himpilan ng TV48, sa pamamagitan ng “Bingo Novo Ecijano” na inilunsad sa Brgy. Sanbermecristi.

Layunin nito na makapagbigay ng aliw at saya sa mga barangay sa lalawigan.

Ang Bingo Novo Ecijano ay bahagi ng promotional caravan ng TV48, sa pakikipagtulungan ni Gov. Aurelio Matias-Umali, ina ng lalawigan at 3rd district Congw. Cherry Umali at Doc Anthony Umali.

Umaapaw na grocery packs at mga kaban ng bigas ang inihandang papremyo sa mga mananalo ng istasyon, na labis na ikinatuwa ng mga residente ng Sanbermecristi.

Lalo pang naging masaya ang palaro ng nagpaunlak sa paanyaya si dating Board Member ng 3rd district na si Doc anthony umali at ang pagdating ng “Boses ng Katotohanan” at main host/anchor ng programang Dobol P, na si Mr. Philip “dobol p” Piccio.

Lalo pang naging kapana-panabik ang palaro, dahil sa idinagdag na papremyo ng dalawang idolo ng bayan.

Abangan ang Bingo Novo Ecijano, sa inyong mga barangay.- ULAT NI DANIRA GABRIEL